Thursday, February 7, 2013

Reaksyon

   San totoo lang nakakareleyt ako sa sinasabi sa akdang “Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama” dahil kagaya ng awtor ganoon din ako dati. Mahiyain ako tao at wala akong magawa kundi makinig na lang. Natatakot din ako magbigay ng sarili kong opinyon at saloobin. Bihira lang talaga na ipahayag ko ang sarili ko at ang mga naiisip ko. 
Tama talaga ang akdang iyon. Masnadalian akong ipaalam sa iba ang mga nararamdaman ko, naiisip ko, ang mga opinyon ko at marami pang iba. Unti-unting nawala ang pagkamahiyain ko dahil lang sa internet. Gaya ng nakasaad dun gumagamit din ako ng mga social networking sites upang masabi ang mga ninanais kong ipaalam. Minsan din napapaisip ako kung ano ang mga reksyon ng iba pagnagpost ako doon ng mga opinyon ko nagustuhan. Sa pamamaraan ng pagpopost, pagkokoment at pagsulat ng blog, mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob para masabi ang anumang pwede kong ibahagi sa iba. Maging problema man yan, kaalaman, mga kwento, nasasabi ko to sa iba sa pamamagitan ng internet. Kaya para sa akin magandang pamamaraan ang internet para masmaging matapang ang mga taong mahiyain na sabihin ang nais nila.

-Ceejay M. Eusebio

Sunday, January 27, 2013

Reaksyon


       Sa ating paglalakbay sa mundo ng internet marami tayong magagawa para saatin at para narin sa ibang tao.  Isa sa mga "sites" na ito ay ang Facebook. Dito nalalabas ng isang mamamyan o kabataan ang kanyang  sariling pananaw at mga opinyon. Nalalabas niya ang kanyang saloobin para sa giginhawa ng kanyang utak. Napakaganda nga nitong internet sa ating buhay at bilang kabataan magagamit ko itong internet para malabas ang mga saloobin at mga problema.            
- Aila Kathleen C. Ramos.

Tuesday, January 22, 2013

Reaksyon

Ang Internet ng Lahat   
   Sa araw-araw nating pamumuhay hindi na maiiwasan ang pagbubukas ng Facebook, Tweeter at kung anu-ano pa, dahil nasa sistema natin ito. Tayong, mga kabataan ay nakadepende dito. Bakit? Sapagkat dito natin inilalabas ang ating saloobin, opinyon at marami pang-iba. Ginawan tayo ng Diyos ng bigbig upang magpahayahag, pero ang iba mas piniling manahimik na lmang sa isang tabi at makuntento, kaya naman ito ang aking phayag ukol dito.

   Alam ko, lahat ng tao nagkaroon ng pagkakataon upang ipahayag ang sarili sa pamamgitan ng pagsasalita pero mabago ito noong nabasa ko ang akdang, Naging Mendiola Ko ang Internet, Dahil kay Mama, ni Abegial Yuson Lee. Ang masasabi ko lang ay naging maganda ang bunga nang pagsesermon ng kanyang ina ukol sa pagpapahayag, dahil dito nagkaroon siya ng pagkakataon patunayan sa sarili niya na kaya niya magbigay ng "advice" sa kanyang mga kaibigan at saloobin tungkol sa pamahalaan. Ang nakakatuwa pa ay lumakas ang kanyang loob na ipatid ang kanyang opinyon. Ipinakita sa akda na hindi na ngayon imposibleng wala kang boses na ipapahayag sa iyong lipuna, pamahalan at mundo. Hindi man personal na sinasabi niya ito sa kinakausap hindi naging hadlang ang distansya ng isang tao upang hindi na kayo magkausap.

   Sa panahong natin ito malabo na ang mga taong hindi nakakaalam ng internet. Internet ang naging susi ng iba upang magkaroon ng lakas ng loob para ipahayag ang sarili.Nakakatuwang isipin na ang internet pa ang nagbigay daan upang maging malapit sa isa't isa si Abegial at mga kaibigan niya ngayon. Kahit munting panghihikayat ng isang ina ang sanbigan ni Abegial ay nagkaroon ito ng magandang resulta, hindi lamang sa kanyang srili pati na rin sa mga taong nakapaligd sa kanya. Dahil sa internet maraming tao ngayon ang umuunlad sa iba' ibang panitikan tulad ng pagsusulat ng tula at pag-popost nito sa iba't ibang website. Mistulang isang multipurpose ika ng iba ang internet sapagkat marami kayan pwede gawin dito at matutunan.                  


- Caitlin Jan S. Pacquiao.

Monday, January 21, 2013

Reaksyon

     Sa nabasa ko , sang-ayon ako na ang internet ay mahalaga sa atin hindi lamang para sa kaalaman ng isang tao kundi pati na rin sa gobyerno , maari nilang mabasa ang mga blogs na makakapagpapabago ng kanilang mga desisyon . Dito rin natin natutunan gumamit ng Facebook kung saan mailalagay natin ang ating saloobin at humingi ng payo sa makakabasa nito. Nakakatuwang isipin na ginagawa nating mendiola ang internet upang maihayag ang nararamdaman natin. Totoo ngang nakakagaan ito ng pakiramdam. Bilang isang estudyante aking gagamitin ang internet bilang isa kong mendiola upang masabi ko ang opinyon sa ibang tao , bilang isang tagapayo sa mga may problema at maibahagi ko ang aking nararamdaman.

- Aica Marie N. Martinez

Sunday, January 20, 2013

Reaksyon

‘DI LAMANG ISANG PALIBANGAN. ‘DI LAMANG ISANG PALARUAN

      Internet. Facebook. Twitter. Tumblr. Google. Yahoo. Ilan lamang ito sa mga kinagigiliwan ng nakararami sa atin. Marahil ay pati ikaw ay gumagamit ng isa o iilan sa mga nabanggit. Ano ba ang kadalasan nating ginagawa sa mga nasabing “social networking sites”? Oo, malimit tayo ditong makipag-komunikasyon sa iba’t ibang tao. Bagamat idinadaan lamang natin sa pagtipa ang ating mga reaksyon, pananaw o opinyon ukol sa isang bagay, isa na itong paraan upang masabi natin ang ating mga nais. Ang Internet ang magsisilbing “Mendiola” natin. Ito din ang tulay tungo sa malayang pagpapahayag ng ating mga sarili. Ang akdang, “Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet dahil kay Mama” ang isa sa mga nakapukaw ng aking isipan. Tayo nga ay binigyan ng bibig upang makapagsalita subalit isinasaad nito na hindi lamang ito ang natatanging paraan upang masabi natin ang ating mga saloobin. Nariyan naman ang Internet na siyang “konek” natin sa mundo. Ang pagsasabi ng ating reaksyon ay nararapat lamang na walang hinihinging diskriminasyon dahil tayo ay may mga indibidwal na karapatang magpahayag ng ating nais. Lahat ng mali ay maaari nating maiayos. Nga lang, sa pagsasabi natin ng ating mga reaksyon, sa tingin ko’y nariyan pa rin ang kaukulang responsibilidad. Ibig sabihin, panindigan natin ang ating mga winiwika.
      Bilang karagdagan, kaming kabataan, nararapat lamang na sa murang edad ay nabibigyan na kami ng kaukulang pansin pagdating sa pagpapahayag ng aming ninanais. Di ba’t binansagan kaming PAG-ASA ng bayan? Paano naman kami makapagbibigay ng pag-asa kung patuloy na hahadlangan ang aming mga opinyon? Sana’y kalimutan na natin ang konseptong kaming mga kabataan ay nagtataglay lamang ng mga maliliit na tinig na kadalasan ay wala namang kabuluhang maidudulot sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Tandaan na kahit maliit, mulat na ang aming mga musmos na isipan sa mga usaping pambansa. Walang sinuman na maaaring makapag-dikta ng nais naming ipahayag. Kami ay may kanya-kanya ding perspektibo sa iba’t ibang sitwasyon. Marahil sa mata ng nakararami, ang Internet ay isang palibangan lamang. Sila ay nagkakamali. Isa itong “Mendiola” na kung saan may karapatan ang bawat isa na makapagsalita. Hindi lamang ito isang palaruan. Isa itong daan upang matigil ang mga paglalaro’t pagsasawalang bahalang ginagawa ng nakararami lalo na yaong mga may kapangyarihan. Kadalasa’y sa Internet makikita ang huwad na katotohanan ngunit dahil nga sa mga nilalang na takot makitaan ng itim na budhi, ang Internet tuloy ang binansagang trono ng kasinungalingan.
      Mendiola ko na ang Internet at sa akin magsisimula ang panibagong konseptong, “Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba't iba naming reaksyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan.” Ang Internet ay mananatiling buhay at makabuluhan kung ito ang magsisilbing susi natin sa pamamahayag ng ating mga sarili. Mahalaga ang tinig ng sambayanan, bata man o matanda, mahirap man o mayaman, dapat lamang na tayo ay bigyan ng pagkakataong maipahayag ang ating mga sarili. Magsimula na tayo. Kumilos. Magpahayag. Baguhin ang mga gawing pumipigil sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa. Ang pagbabago ay nasa ating mga sarili at walang sinoman na makapagdidikta ng ating mga saloobin na alam nating makakatulong ng malaki sa nag-iisang Perlas ng Silangan.
-  Vanessa Kate S. Manzano.